Oct 31, 2012

Ang mga Babae...

"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanong sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanong kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang eh "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. 

"Ang mga babae, masyadong sentimental." Oo sinabi mo pa, ganun talaga! Tandang-tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang collector ng mga antique sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang kaarawan mo tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday".

"Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Hmmmm...buti na lang kayong mga lalaki hindi noh?! Kasi kayo kinikimkim lang ninyo lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya eh magpapakalasing tapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical yun?

Ang mga babae madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-i love you, i miss you, take care/ingat at mwah-mwah sa text. Asar ka na ba at nako-cornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at i-sesend ang mga yun sa iba. 

Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sa 'kin, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, kayong mga lalake, you're meant to pursue them and it's okay if you fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng Earth sa paligid ng araw. 

Mas okay kung kayo na lang yung masasaktan (hahahaha)! Eh ang mga babae? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. 

Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulit ng katulad niya na magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng mga naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwi sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. ;)

No comments:

Post a Comment